
Dito sa Umbuyan
Umbuyan is typically a small corner store in town where elders converge to hear and talk about current local happenings. Conversations get lively while folks share some "salabat" (ginger tea), "pan-de-sal" (breakfast bread) or "lambanog" ( a locally distilled spirit). The Umbuyan is livelier with folks playing the Chinese checker and others strum the guitar as they sing a "Pitong Gatang" folk song or a "Dahil sa Iyo" kundiman)

Napaguusapan lang
.... Just chatting ....

"Wise men speak because they have something to say; fools because they have to say something." (Plato)
NALILITO KA PA RIN?
Ngayong sampung linggo na lamang ang maghahalal na tayo ng mga kandidatong gustong mamuno sa ating bansa at bayan, lalo nang tumitindi ang mga usapan at diskusyon ng mga kandidato at mamamayan tungkol sa kung sino kaya ang dapat nilang iboto. Mabuti naman at merong mga debates, TV interviews at group discussions a nagaganap. Sana, ang karamihan ng mga botante ay nakikinig at pinaglilimi nila ang mga balitaktakan, mga panukala at programang inilalahad ng mga aspirants sa pwesto at sinasabi nila na kanilang gagawin pag sila ang nahalal. Marahil karamihan sa mga elektors ay nakabuo na ng kanilang dedisyon kung sino ang kanila iboboto. Meron din siguro na naghahanap ng mga kasagutan o informasyon na makakatulong sa kanila sa pag-didisisyon. Siryosong pagaaral ang kailangan natin dito sa gayon, mamali man tayo ng pili, alam natin na ginawa natin ang ating makakaya sa pagpili ng kung sino, batas sa ating pagaaral ang dapat nating pagtiwalaan sa pamumuno.
Heto ang isang idea na baka sakaling makatulong sa ating pag-aaral o pag-evaluate kung sino ang may pinakamahigit na tsansa na makapaghahatid sa atin ng magandang kinabukasan at makapamumuno sa paglutas ng ating mga pambansang suliranin. Dadalhin ko itong suggestion ko sa Umbuyan ni Mang Karyo pagpunta ko muli doon para magk-kape.
Pagkatapos makumpleto ang form, i-total ang puntos na na-assign sa bawat kandidato. Kung sino ang may pinakamaraming puntos, siya ang inyong iboboto.
Mga notas:
1. Be very objective sa pag-assign ng puntos.
2. Huwag mag-papa-influence sa mga "ingay" ng social media.
3. Walang halong emosyon dito.
4. Kung mag-tie sa puntos, gamitin ang ilang katanungang sana ay pwedeng maitanong ng personal:
a. Sa nakaraan mong karanasan, alin ang itinuturing mong
nakagawa ng pinakamalaking contribution sa iyong or-
ganisasyon?
b. Ano ang itinuturing mong pinakamahigit mong sariling
katangian, (lakas o strenght)
c. Ano ang itinuturing mong pinakamahigit mong hina, o
kakulangan ( weakness) at ano ang iyong ginagawa
upang malunasan ang iyong kakulangan?
d. Sino ang iyong hero, modelo o idolo? Bakit?
AT HUWAG KALILIMUTANG ITANONG ANG 22 DALAWANG KATANUNGAN AT MUNGKAHI NA NASA IBABA.
ILAN PANG NOTAS:
WALA TAYONG MALAKING PUWANG NA MAGKAMALI MULI SA SUSUNOD NA ELEKSYON. HILAHUD NA HILAHUD NA ANG ATING BANSA AT KABABAYAN. MAGKAMALI PA TAYO MINSAN AT ANG ANIM NA TAONG SUSUNOD AY MAG-DEDETERMIN KUNG SAAN TAYO PUPULUTIN SA MGA SUSUNOD PANG HENERASYON.
HETO ANG BOTTOM LINE DITO:
BAYAN ANG NAKATAYA DITO. HINDI LANG MGA KAMAG-ANAK, KAIBIGAN O MGA KUMPANYERO. LET'S INVEST IN OUR PEOPLE. IN THE MINDS OF OUR PEOPLE. THAT WILL BE A GOOD STEP IN BRINGING POSITIVE CHANGE NOT ONLY ON OUR ELECTIONS, BUT ALSO FOR THE STRENGHT, RESPECT, PROSPERITY, HEALTH AND PEACE OF OUR LUPANG MAGILIW..
****************************************************************
DALAWAMPUT DALAWANG (22) TANONG AT MUNGKAHI SA FILIPINO VOTERS PARA SA MAY 9, 2022 ELEKSYON:
( KARAMIHANG TANONG AY KUNG PAPANO NILA MALULUTAS / MASASAGOT ANG MGA KATANUNGANG TUMUTUKOY SA MGA SULIRANING DINADALA NG ATING BANSA SA MATAGAL NANG PANAHON. SANA, LAHAT NG PRESIDENTIAL HOPEFULS AY AWARE AT CONCERNED SA MGA KATANUNGANG IYAN NA BUMIBIGTI SA MGA FILIPINO . AT SANA AY BATID DIN ITO NG MGA MAMAMAYAN NA ITO ANG MGA PUMIPIGIL SA ATING KAUNLARAN BILANG ISANG BANSA.)
PAPAANO MO/KA:
1. Paliliitin ang agwat ng mahirap at mayaman?
2. Magki-krieyt ng jobs na may sapat na sweldo ang tao-sapat sa pangangailangan ng pamilya para hindi lamang sila aasa sa ayuda galing sa gobyerno?
3. Lulutasin ang problema ng korapsyon at paliliitin ang kapangyarihan ng gobyerno na sanhi ng bureaucracy, katiwalian at government wastes?
4. Mapananatili ang ano mang economic policy ( ilahad mo rin ang iyong policy kung meron ka man ) para kahit sinong nasa pwesto magpatuloy ang policy na makapagbibigay ng sapat na kabuhayan sa pamilya- sapat na pagkain, tirahan, edukasyon, pananamit, servisyong medical at kaunting savings? Hindi aasa na lamang ang mamamayan sa ayuda ng gobyerno.
5. Malulunasan ang problema ng health care upang makakayang bayaran ng mga nagkakasakit o mabigyan ng ayuda ang mga gipit na gipit?
6. Mai-improve ang quality ng edukasyon lalo na sa mga unang baytang ng eskwela upang doon pa lamang ay matututu na ang mga bata ng mga traditional values and virtues gaya ng honesty, integrity, responsibility, accountability, loyalty, self-discipline, fairness, compassion, excellence, determination, perseverance, sound judgment and good outlook in life?
Pag-laki ng mga batang iyan, sa kanila tayo maaaring mamili ng liders
na makapagpapaunlad ng ating bayan. Sa ngayon, namimili lamang tayo sa kung sino ang lesser evil.. Kaya kung sino man ang mapili...evil pa rin..
7. I-rereform ang culture ng gobyerno na sa ngayon, ang politika at mahalal ay isang trabaho lamang at paraan para mapagsilbihan lamang ang sariling kapakanan at hindi para sa ikauunlad ng publiko?
8. I-rereform ang sistema ng hustisya- na sa ngayon, ang mga kriminal ay laya at ang mga walang sala ay nasa bilangguan?
9. Isasakatuparan ang eleksyon reform, para ito'y maging fair, walang dayaan at walang katiwalian at krimen?
10. Lilinisin ang korapsyon at katiwalian lalo na sa mga departamentong nangangasiwa at nangungulekta ng pera ng bayan- tulad ng BIR, Customs, Public Works, at marami pang iba?
11. Lilinisin at i-rereform ang media, radyo, televesion, pahayagan, social media- ang press na dapat ay source ng truth, information and insights na magagamit ng tao sa kanilang pag-buo ng kanilang opinion at judgement sa mga public issues - With full access and right to know the truth and information while preserving the freedom and integrity of the press?
12. Lilinisin at pauunlarin ang kapaligiran, infrastructures, tubig, kalye, ilog, bundok, kasama na ang nakapupunding traffic lalo na sa mga lugal na tulad ng Metro Manila at ibang pang lungsod na ginagalawan ng maraming mamamayan?
13. Bibigyan ng real meaning, full force at tunay na kaganapan ang napanis nang Land Reform Law (RA 3844)
14. Bibigyan ng emphasis at pauunlarin ang ibang industryia at kalakal ng Pilipinas tulad ng pagsasaka, pangingisda, export /cottage industries, tourism, at iba pang napagkukunan ng kabuhayan? Kasama na rin dito ang electrification, irrigation, at small business opportunities.
15. I-rereform ang political system na sa ngayon ay pinaghaharian ng mga tradisyonal na politikos at mga angkan sa halip na maakit ang mga public servants na talagang may kakayahan, karakter, leadership, honesty at integridad na maglingkod? Nangyayari, yung mga talagang qualified, able and charactered people, ayaw nang pumasok sa public service.
16. I-iimprove ang relationship ng Pilipinas sa ibang mga katabing bansa (at malayo man) katulad ng China, Japan, Korea, Thailand, Vietnam, South Korea at iba pang Asian countries?
17. Paano mo i-uulat sa bayan kung gaano na kalubog sa pagkakautang ang Pilipinas sa China at paano natin mababayaran at matutubos ang mga nasanlang yaman natin. Ang mga matataas na gusali, tulay at highway na nakikita natin ngayon ay utang ang ipinagpagawa. Nakasanla na ang ating bansa. (Kung hindi pa man nabili na.)
18. Isusulong ang sining ng Pilipinas maging sa painting, sculpting, compositions at iba pang sangay ng sining.?
19. I-aadvance ang human rights, peoples' awareness of such rights, at ang karapatan nilang sumali sa mga advocacies upang ipakipaglaban ang kanilang valid cause ng walang pagpipigil ng gobyerno?
20. LULUTASIN ANG PROBLEMA NG COVID 19 O IBA PANG URI NG SAKIT NA MAAARING KUMALAT AT LUMABAS SA HINAHARAP?
( labas sa pamumulitika, pagnenegosyo at red-tape)
21. Ibabalik ang tunay na pagtitiwala ng mamamayan sa gobyerno. Sa ngayon maraming ang tingin sa gobyerno at sino mang kandidato ay pare-pereho lamang. Sa huli, ang bagsak natin ay sa mas higit pang paghihirap.
22. LAST BUT NOT LEAST, "Suriing mabuti ang 'KARAKTER" ng bawat kandidato. Meron ba silang trak record ng pagka-corrupt, pagkamagnanakaw, kasinungalingan? Sino sa kanila ang may pinakamataas na "propensity" na maging corrupt, magnakaw at magsinungaling? Siyempre lahat sila magsasabi sa inyo na gagawin nila ito, gagawain nila 'yun, para umasenso ang bansa. Bilasa nang awit yan ng mga humihingi ng boto. Meron ding mga hindi maniniwala sa katotohanan at reality. Marami rin sila. Tawag sa kanila ng iba: mga STUPID. Pero naniniwala ako na mas marami pa rin ang Filipino na hindi stupid. Mas marami pa rin ang Pilipino na matino, may karacter, may tamang isip at self-discipline upang gumamit ng tamang patakaran ng mali o tama.
**************************************************************
Ang mga tanong na ito ay maaaring gawin sa mga political rallies, debates, meetings, tv/radio interviews, townhall presentations, at mga pulong-pulong. Ang mga isasagot ng mga kandidato ay kailangang:
a. Viable (mabubuhay)
b. Feasible (mangyayari considering ang karamihan ng iba-ibang interests ng mga constituencies.)
c. Measurable ( maaring masukat)
d. Sustainable ( mapaiiral kahit sinong nasa pwesto)
e. Time-bound ( May takdang kaganapan (even estimate)
f. Relevant (may kaugnayan sa ibang aspects ng governance at society)
g. Understandable by the people (maiintindihan ng maliwanag)
NOTE: (THESE QUESTIONS ARE NOT ALL INCLUSIVE. THERE ARE MANY MORE, BUT THE ONES INCLUDED IN THE 22 ARE MOST CRITICAL IN THE WRITER'S VIEW.)
ANG MGA KATANUNGANG ITO, KUNG TALAGANG PAGSISIKAPANG MABIGYAN NG ANGKOP, PRAKTIKAL, AT REALISTIC NA KASAGUTAN MALAKI ANG ATING PAG-ASA NA UUSAD ANG ATING BAYAN. ANG MGA ITO AY HINDI MAGAGANAP O MANGYAYARI SA PAMAMAGITAN NG ISANG ELEKSYON LAMANG O SA LOOB LAMANG NG ILANG TAON.. IT WILL TAKE TIME, BUT ISN'T TIME FOR US TO START THE REAL EFFORT???
ISANG CAVEAT -(KWIDAW)... Election of honest, effective leaders is not the end of our journey. The peoples' responsibility does not end in studying and evaluating and electing their candidates. What happens after election is as important as election itself. What the elected officials do after having been trusted to do their jobs must be watched. It's called VIGILANCE. After elections, people must know how the senators, congressmen/women are voting on certain rules or laws. What kind of bills are they legislating? What policies a mayor and of course the President is pursuing? Are they in line with what they promised? These are all part of nation-building..
**********************************************
We look forward to the time when the power of love will replace the love of power; as only then will our world know the blessings of peace.
(- William E. Gladstone - Former PM of UK )
VOTE WISELY.






